My Photo
Powered by Friendster Blogs
Member since 04/2005

« December 2005 | Main | February 2006 »

January 25, 2006

Maraming dapat linawin

Maraming bagay ang dapat linawin. Basta... ako na ang bahalan magpaliwanag at magtuwid... Biyaya ko... mahal na mahal kita, alam mo 'yon? :)

January 23, 2006

Marami akong natutunan ngayon

Marahil matagal lang akong nakatulog. Mabuti na lang at matiyagang magbantay ang pinakamamahal ko at ang mga nagmamahal sa akin. Matiyaga rin silang umaantabay sa lahat ng mga nagaganap na pagbabago sa buhay ko.

Hindi madali ang magising. Hindi rin naman madali ang makatulog. Lalong mahirap tumayo kapag nanghihina ang mga tuhod mo. Walang lakas ang sakong mo. Walang tatag ang binti at hita mo. Mabuti na lang, matiyaga silang umantabay.

Marami akong natutunan ngayon:

1. Mas marami tayong nalilikhang kaaway kaysa kaibigan. Subalit, sa takdang panahon, magiging kaibigan mo ang mga naging kaaway mo.

Kung kailan ang panahong iyon, panahon din ang nakakaalam. Hindi para tayo ang magsabi kung ano ang magiging bukas bagaman puwedeng paghandaan iyon.

2. Na ang sakit ng loob ay hindi na rin mararamdaman kapag matagal nang nag-uukok. Pero 'di kayang papaghilumin ang pilat ng mga kahapon.

Mainam na rin. Maalala mo ang mga pagkakamali mo at hindi mo na (sana) mauulit pa.

3. Mas matuto ka sa pagkakamali. Ngunit, sakit ang paulit-ulit na pagkakamali.

Kailangan din sigurong may nagbabantay. Kailangan talaga. Para di na maulit ang mga katangahan.

4. Mas mahal ko na ngayon ang mga bagay na alam kong mahalaga. At mas pinahahalagahan ang mga dapat ituring na mas mahalaga.

5. Mas naniniwala na ako sa hindi nila pinaniniwalaan.

Mahiwaga nga ang buhay. Pero hindi lahat ng hiwaga walang paliwanag. Hindi ipinagkaloob ang pag-iisip para hindi gamitin. At ang pandama para hindi paunlarin.

January 12, 2006

Memorandum

Hay! Nakakaantok ang araw na ito!

January 10, 2006

BISYO O WISYO?

May isa akong nakagawiang gusto kong matanggal ngayong taong ito. Kung ano iyon... sikreto.

Marahil sasabihin ng marami sa inyo: "Pa-post, post pa... Hindi rin naman pala sasabihin 'yon".

Maganda kasi kahit papaano may pribado kang buhay. May sikreto ka. Mahirap nang buyangyang ang buhay.

Hindi ba ang kinalalagyan ni Ka Roger Rosal... iyon bang NPA at tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas ay sikreto rin kung saan siya matatagpuan? Madalas mo naman siyang maririnig sa radyo. Lalo na sa DZRH.

Pipilitin ko at gagawin ko talagang mabago ang nakagawian kong iyon...

Bless you mahal! Mwah!

January 01, 2006

Tapuy

Naalala ko ang isang kuwento hinggil sa isang katutubong nakipaglaban sa multo. Matapos noon ay napakasal siya sa isang babae at naghanda nang napakarami. Dahil sa minero siya, marami siyang baong ginto at iyon ang ipinambibili niya ng gusto niya. At isa nga roon ang tapuy - isang alak sa Cordillera.

Pero ang nararamdaman ko ngayong "kawalan" ay hindi kayang punuan ng tapuy. Pagpapasya lamang. Subalit dapat din namang pag-isipan at tiyakin ang bawat kilos, hindi ba?

Kay Biyaya, mahal na mahal kita at maraming-maraming salamat!